Miyerkules, Oktubre 21, 2015

Kakulangan sa Edukasyon

Ang kahirapan ng isang bansa ay isang dahilan kaya marami sa mga kabataan ang hindi nakakapag-aral. Paano mag-aaral ang isang bata kung walang trabaho ang kanyang mga magulang? O kung meron man ay kulang at sapat lang para sa pagkain. Nakakalungkot makita na imbes na nasa loob ng paaralan ang isang bata, siya ay nakikita mo na lumalaboy lang sa lansangan.





Anong kinabukasan ang naghihintay sa isang batang hindi man lang nakapag-aral? May liwanag ba ang bukas para sa kanya? Mahalaga ang edukasyon. Kung ikaw ay nakapagaral mas may tsansa na maganda ang hinaharap. Ang edukasyon ay isang karapatan, tulad ng pagkakaroon ng pangalan, tulad ng pagkakaroon ng matitirhan. Ito ay magbibigay ng karunungan, kaalaman, ng talino na magiging sandata mo sa pakikipaglaban sa mga pagsubok ng buhay. Ito ang nagsisilbing pag-asa ng bawat mamamayan upang maisakatuparan nila ang kanilang pangarap sa buhay.





May responsibilidad ang pamahalaan na gawing abot-kamay para sa mga mahihirap ang edukasyon. Dapat maglaan ng pondo para gastusin sa pag-aaral ng mga walang kakayahan para dito. Isakatuparan ang mura o libreng pag-aaral pero may kalidad para sa mga mahihirap.